Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 8
“A-AKALA ko ba, mamamangka lang tayo?” maang na tanong ni Jean nang makitang palapit sila sa yateng nakadaong sa malayo sa isla.
“Nang sabihin ko kasing babalik ako sa trabaho ko, sinabi ni Sir Marco na dito na lang niya ako itatalaga sa yate. Wala raw kasing bantay dito kaya ibinigay sa akin ang susi. Halika,” yaya nito matapos itali ang bangka sa nakausling bakal ng yate.
“Eh, bakit isinama mo ako rito? B-baka malaman niyang nagdala ka ng babae rito, lagot ka.” Tinanggap niya ang palad nito.
“Hindi, wala namang ibang pupunta rito na hindi itinatawag sa radyo.
“Hindi, wala namang ibang pupunta rito na hindi itinatawag sa radyo.
“Ganoon?”
“Oo, kaya halika na.”
Walang nagawa si Jean kundi sumunod sa paghakbang nito papasok sa yate.
“Wow!” Napahanga siya nang mamalas ang kabuuan ng yate.
Parang nasa loob siya ng isang magarang sala sa nabungaran. Mamahalin ang sofa na naroon. Kumpleto sa mamahaling kagamitan.
“Nagustuhan mo ba?”
Hindi agad nakakibo si Jean.
Isa ito sa buhay na pangarap niya. Ang matikman ang sarap ng buhay habang nakasakay sa isang magandang yate.
“Oo naman. Ang ganda, ano?” Parang batang nagpaikut-ikot sa kabuuan ng pinakasala si Jean.
“Oo. Gusto mo bang tumigil ng ilang araw dito?”
“Ha?” Napalingon siya sa binata. May fondness na nakasungaw sa mga mata nito.
“Naisip ko lang kasi, tutal ay ilang linggo akong mamamalagi rito, samahan mo ako.”
“Ano? Okay ka lang? Paanong –”
“Mag-file ka ng leave, tapos ay dito tayo. Walang makakaalam na narito ka.”
“Josh! Baka pareho tayong matanggal sa trabaho kapag
“Okay lang naman kahit pareho tayong walang trabaho, hindi ba? Ang mahalaga, magkasama tayo.”
“Josh!”
Natawa nang malakas ang binata.
“Nagbibiro lang ako. Basta mag-file ka ng leave, samahan mo ako rito sa yate.”
“Pero –”
“Akong bahala, walang makakaalam na narito ka.”
“S-sigurado ka?”
“Oo. Ano, magpa-file ka na ng leave?”
“S-sige, titingnan ko bukas kung papayagan pa ako. Kababakasyon ko lang, eh.”
“Papayagan ka, sigurado ako.”
“Sus! Para namang siya ang may-ari ng resort.” Inirapan niya ito.
Hindi na niya napansin na bahagyang umilap ang mga mata ni Joshua. Hindi niya alam na may nasaling siyang katotohanan sa sinabi niya.
“Basta mag-file ka na ng leave, ha?” Pagkuwa’y malambing itong yumakap sa kanya.
“S-sige, kung iyon ang kahilingan mo.”
“Salamat!” Pagkawika niyon ay isang mabilis na halik sa kanyang mga labi ang iginawad nito. “Hindi mo ito pagsisisihan, Jean.” Pagkuwa’y muli nitong inangkin ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon. Afterall, ano pa ba ang dahilan kaya lubusan siyang nagtiwala sa pagsama rito kahit saan?
She wants to be with him all the time, to be kissed by him….
ANG MAALAB na halik na pinagsasaluhan nina Jean at Joshua ay dito humantong. Sa malamig at saradong silid sa ibaba ng yate. Sa malambot na kamang sumalo sa naglalagablab nilang katawan na kapwa nahubaran na ng saplot.
“Jean…” Saglit na huminto si Joshua. “Kailangan kita,” anas nito habang namumungay ang mga mata.
Ngumiti ang dalaga. Pagkatapos niyang magpakababa sa paghabol dito, walang hihilingin si Josh na hindi niya ibibigay.
Oh, how she loved this man in an unconditional way.
“S-sa iyo ako, Josh, katawan at kaluluwa,” namumungay ang mga matang wika niya.
“Oh, Jean!” Tuluyang nakahulagpos ang natitira pa sanang pagtitimpi ng binata.
Muli itong gumalaw, this time, sigurado na ang nais gawin.
Mariing napakagat-labi si Jean, palatandaan na nasasaktan siya.
“Jean, okay ka lang?”
Minsan pang ngumiti ang dalaga kahit nasasaktan.
“I-I’m okay. I-ituloy mo.”
“Pero nasasaktan ka.”
“M-mas masasaktan ako kung hindi mo itutuloy.” Pagkuwa’y humigpit ang yakap niya sa batok nito, then she pushed her body para maramdaman ni Josh na nakahanda siya sa sakit na mararamdaman basta para sa ikaliligaya nito.
Sukat doon ay muling nabaliw si Joshua, itinuloy nito ang nasimulan na. Hanggang
kapwa na sila humihingal na nakarating sa nais puntahan…
kapwa na sila humihingal na nakarating sa nais puntahan…
KAGAT-LABING bahagyang sinulyapan ni m Jean ang mahimbing na si Josh.
Payapang-payapa ang binata sa pagtulog. Malalim na ang paghinga nito, and yet, tila may nakapagkit pang ngiti sa gilid ng mga labi.
Josh Montemayor, ikaw pala ang lalaking itinakda na pagkalooban ko ng lahat-lahat sa akin. Pero kahit ano ka pa, hindi ako nagsisisi. At least, isang hagay ang napatunayan ko. Mas mahalaga ang pag-ibig sa mundong ito kaysa anupamang bagay na material sa mundo.
Sukat sa isiping iyon, nangingiting isiniksik niya ang sarili sa malapad na dibdib ng binata.
“Hmm…” Naalimpungatan si Joshua.
“Tulog ka pa, Sweetheart, pahinga ka.” Saka niya inilapat ang hubad na katawan sa katawan nito.
“Jean…” Ngunit tila naman si Joshua na ang tuluyang nagising. Nagmulat ito ng mga mata habang humigpit ang yakap sa kanya. “Ang init ng katawan mo, Sweetheart.”
“Oo na, matulog ka na!” natatawang hinaplos niya ng kamay ang dibdib nito.
“Ayoko nga!” Sa isang mabilis na pagkilos ay hagawa nitong pumaibabaw sa kanya.
“Josh!” Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat nito kasabay nang pagkadama sa nagising na bahagi ng katawan nito.
“Sshh! Matapos mo akong gisingin, patutulugin mo ako. No way! Wala tayong tulugan, ano?” Saka nito siniil nang halik sa leeg ang dalaga, sa dibdib.
Napatili sa kiliti si Jean, ngunit mayamaya lang ay natahimik na siya, kasunod niyon ay ungol na lang ang namutawi sa kanyang bibig.
MATAPOS humingi ng leave si Jean ay agad siyang nagpunta sa tagpuan nila ni Josh. Muli silang sumakay ng bangka patungo sa yate.
At sa pagkamangha ni Jean, “Wow! This is life, Josh!” Parang batang nakadipang umiikot sa kabuuan ng pinakasala ng yate si Jean. “Biruin mo, narito tayo sa magandang yate, para tayong mga don at donya na nagbabakasyon.”
Nangingiti namang pinapanood lang ni Joshua ang dalaga. May fondness na nakasungaw sa mga mata ng binata habang nakamasid sa kanya.
Jean, bakit ganito ang pakiramdam ko? Pakiwari ko’y hindi na rin ako mabubuhay ng masaya kung hindi ikaw ang kasama ko.
Natigilan naman si Jean nang mapasulyap rito.
“Hey! Bakit mo ako pinagmamasdan, ha?” Natatawang lumapit siya rito at malambing na yumakap.
“Wala lang, natutuwa lang ako dahil kahit paano ay naipatikim ko sa iyo ang ganitong klaseng buhay.” Seryosong tinitigan ni Joshua ang magandang mukha niya. “Pero pagkatapos nito, hindi mo kaya hanap-hanapin ang –”
“Sshh! Ano ka ba? Wala akong hahanapin, okay? Maliban sa pag-ibig mo.”
“Talaga?” Napangiti na ito.
“Opo! Kaya kung ako sa iyo, simulan mo nang ipadama sa akin ang pag-ibig mo. At gusto ko, mas espesyal kaysa kagabi, ha?”
“Jean!
“O, napatunganga ka? Masyado ba akong agresibo?” natatawang nilaru-laro niya ang gilid ng mga labi niti.
“Hindi naman. Gusto ko nga ‘yon, ang lambing mo. Kaya paano pa ako hihiwalay sa iyo?” Pagkawika niyon ay inangkin na nito ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon.
At kagaya kagabi, muli nilang pinagsaluhan ang init ng pag-ibig na kanilang-kanila lang.
At nang mga sumunod na gabi, at kahit sa araw, wala silang pakundangan sa pagpapadama ng pag-ibig sa isa’t isa.
Tuluyan nang kinalimutan ni Jean ang mataas na ambisyon, ang mahalaga, nasa tabi niya si Josh Montemayor.
At si Joshua, nakalimutan nitong ang lahat ay isang palabas pa rin. Pakiwari ng binata, siya talaga ang nahulog sa patibong na siya ang may gawa.
Makubli lang sa pinto si Jean, nagagahol na siya sa paghanap. Magising lang siya na wala sa kanyang tabi ang dalaga, hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam.
Itutuloy….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento