Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 10
MUNTIK nang mabitiwan ni Jean ang hawak na larawan na iniabot sa kanya ng babae.
Kasama ni Sylvi sa larawan ang Joshua na hinahanap nito. Magkayakap ang dalawa, may kuha namang nakakandong ang babae rito, may kuhang nakasakay sa kabayo.
Magara rin ang suot na damit ng lalaki sa larawan, mamahalin, kumbaga ay walang dudang makakaya lang magsuot ng ganoong damit ng isang taong maykaya sa buhay.
At ang isang larawan nito na nakasakay sa isang sportscar habang nakasuot ng helmet, imposible namang ginawa lang nitong props ang sasakyang iyon para magmukha itong karerista.
At ang isang larawan nito na nakasakay sa isang sportscar habang nakasuot ng helmet, imposible namang ginawa lang nitong props ang sasakyang iyon para magmukha itong karerista.
Napalunok si Jean habang marahang humahagod ang tingin niya sa mukha ng lalaki sa larawan.
Josh Montemayor! Tila piniga ang kanyang puso.
“O, natulala ka na riyan. Kilala mo ba?” mataray na untag nito sa kanya.
Napatitig siya sa mukha ni Sylvi. Pinigil niya ang sarili na mapaiyak.
“M-Ma’am, p-parang nakita ko nga siya rito,” gumagaralgal ang tinig na wika niya.
“Talaga? Saan?”
Napalunok muna siya.
“N-noon hong isang araw, d-diyan sa lobby.” Pero gusto pa rin niyang makasiguro. “P-pero J-Josh Montemayor ho ang narinig kong pangalan niya.”
“Tama! Siya nga iyon. Montemayor ang surname ng kanyang Lola Cassandra. Ang hudyong iyon, at nag-alias pa. Sa palagay mo, nasaan na siya ngayon?”
Minsan pang napalunok si Jean. This time, tila malalaglag na ang luha sa mga mata niya.
“M-Ma’am, para hong siya ‘yong sumakay sa chopper kanina,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay hindi pa niya alam kung nakaalis na sa isla si Josh. “Ah, e-excuse me ho. B-baka ho kailangan na ako sa ibaba.”
“Sandali –”
Ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag nito. Tuluy-tuloy siya sa elevator at hindi pa man iyon sumasara ay nalaglag na ang luha sa mga mata niya.
NAGKULONG sa kanyang silid si Jean. Wala siyang pakialam kung oras pa ng kanyang trabaho.
How dare you, Josh! Bakit mo ako niloko? Anong ibig sabihin nito?
Ngunit hindi yata siya makakapayag na napagmukha siyang tanga ni Joshua. Kung nakaalis man ito, she has to do something.
Kahit si Francis, o si Marco, dapat ay makausap niya ang mga ito. Anong pakialam niya kung ito ang mga boss niya?
Imposibleng walang alam ang dalawa.
Now she’d realize. Set-up ang pagdadala sa kanya ni Joshua sa yate!
Matapos pahirin ang luha, inayos niya ang sarili. Nagsuot siya ng maayos na damit. Pagkuwa’y diretso siya sa opisina ni Francis.
“I’ve told you, kumplikado yang ginagawa mo.”
Bahagyang naudlot sa gagawin sanang pagkatok si Jean nang maulinigan ang boses ni Francis.
“Yeah. Pero anong magagawa ko, narito na ‘to?”
Napakagat-labi si Jean nang makilala ang boses ni Josh.
“Ngayon, paano mo aayusin ‘yan’ Tiyak na manggugulo si Sylvi kapag nakita ka. At tiyak na mabubuko ka na ni Jean.”
“Kaya nga aalis na muna ako rito sa isla habang narito pa ang babaeng yon, eh.”
“Hah! At paano kung hindi umalis? Kanina nga lang ay nang-away na ng chambermaid dahil lang sinabing hindi ka kilala.”
“Tiyak na kapag nalaman niya ang pinaggagawa mo ay aawayin ka niya.”
“Napaka-impulsive naman kasi ng babaeng yon.”
“Kasi, pinagtataguan mo.”
“Because I don’t like her anymore. Ang sama ng ugali niya. Napakaselosa at demanding.”
“Kaya naging selosa, masyado mo siyang pinaibig. Hayan, nang mahulog sa iyo nang husto ay iniiwasan mo na.”
“Kagaya nang ginawa mo kay Jean, kung anu-anong kuwento ang pinagsasabi mo. Kesyo anak ka ng mahirap, nagpiyon ka, nagkargador. Jesus! Pinaglaruan mo ‘yong tao,” dagdag pa ni Marco.
“Natural na lalalim ang simpatiya sa iyo noong tao. Nakaka-relate siya sa naging buhay mo, eh.”
“Hey! Bakit ba pinagtutulungan ninyo akong dalawa?” Napatayo mula sa swivel chair si Joshua. “Kaya ako nagkukulong dito sa opisina ninyo, para huwag akong makita ni Sylvi. Tapos ay—” Noon napatingin sa pinto ang binata. “Jean!”
Mapakla ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Jean, pagkuwa’y hinila niyang pasara ang pinto.
“Jean!”
Tuluy-tuloy sa dulo ng hallway ang dalaga.
“Jean!” Humabol naman si Joshua sa kanya. “Jean, sandali!” Naabutan naman siya nito at mabilis na nahawakan sa kamay.
“Bakit?” kalmanteng tanong niya nang lingunin ito. “May bago ka na namang drama sa buhay? What is it this time, ha? Ah, siguro’y sasabihin mo sa aking hindi totoo ang narinig ko? Okay, fine! Anyway, ano pa bang halaga ng lahat ng pambobola mo? Nakuha mo na ang gusto mo sa akin, hindi ba?”
“Jean, hindi naman—”
“Get lost!” Nabiling sa sampal ang mukha ni Joshua.
“Jean!” Nasapo nito ang pisnging namula.
“Alam mo, mas okay pa sa iyo si Steven. At least, nagpapanggap lang siyang mabait para makabiktima, kasi may psychological problem siya. Eh, ikaw, anong problema mo? You want to prove na ganoon kalakas ang appeal mo sa babae kaya kahit boy ka lang, kahit asin lang ang kaya mong ipaulam sa babae, o kahit sa kariton mo lang ako kayang itira, okay lang. Ang mahalaga, kasama kita? Pinaglaruan mo ang emosyon ko, Joshua Fuentebella.” Hindi na nagawang tumulo ng luha ng dalaga dahil sa galit.
“No! Hindi –”
“Ah, alam ko na. Naging hamon ako sa iyo. Kasi, alam mong mayaman ang gusto ko. You give me the dose of my own medicine, ha? Well, that’s fine. Now I’ve learned my lesson. Next time na maghahanap ako ng lalaki, sisiguruhin ko na ang kalagayan niya sa buhay.”
“What do you mean?”
“What I mean is, magpapatuloy ako sa paghahanap ng lalaking mayaman. Tutal, iyon naman talaga ang agenda ko sa buhay. Pero ayoko sa kagaya mo. Mayaman ka nga, insecure ka naman sa sarili mo.”
“Jean, ano bang pinagsasabi mo? Okay, niloko kita sa parteng iyon. Nagpanggap akong mahirap dahil iyon na ang nasimulan ko dahil hawak ko ang kaso ni Steven. Kailangan kong magpanggap na boy para hindi halata kapag dumidikit ako sa kanya. Pero –”
“It’s too late, Josh Montemayor. Wala na akong pakikinggan sa sasabihin mo. Wish me luck na lang para naman makatagpo ako ng hindi pekeng mayaman. Goodbye.” Akmang tatalikod na ang dalaga.
“No! You can’t do this to me! Wala kang karapatang maghanap ng iba dahil narito na ako. Tayong dalawa ang –”
“Ayoko na sa iyo. Natikman na kita.”
Napailing-iling si Joshua.
“No, tell that to marines. Mahal mo ako, hindi ba?”
“Noon, hindi na ngayon. Wala ka ng thrill, eh. Hindi na ako mae-excite sa pagsama sa iyo. Mayaman ka pala. Wala ng magic. Gusto ko ‘yong gugutumin ako pero bubusugin sa pagmamahal. O kaya naman, iyong mayaman talaga sa simula pa lang ay alam ko. Mas masarap paibigin ang ganoon, hindi ba? May thrill.”
“Stop it, Jean! Galit ka lang kaya –”
“Good day, Sir Joshua!” Pahiklas na hinila ni Jean ang brasong hawak nito.
“No!” Ngunit maagap ang binata na nahila siyang pabalik. “Akin ka lang, Jean, akin!” Saka nito siniil nang halik sa mga labi ang dalaga.
Pilit na itinikom ni Jean ang mga labi. Hindi na siya papayag na matangay sa kapangahasan nito.
Tiniis niya ang mga sensasyon at kiliting hatid nang mapusok nitong halik.
“Bravo! Bravo!” Kasunod niyon ay palakpak.
Nabitiwan ni Joshua si Jean.
“Sylvi!”
Napaawang ang bibig ni Jean nang makita ang babaeng kanina lang ay kasama niya.
“So, at kaya mo pala kilala ang boyfriend ko, boyfriend mo rin siya. How nice! Ang galing mong magkunwari nang makita ang picture niya kahit shock na shock ka.” Maarteng humakbang palapit sa kanila ang babae. “Pero sa narinig ko, mukhang nagoyo ka ng lalaking ito. Loko talaga ‘yan, eh. Kasi naman, nasilaw ka sa kaguwapuhan niya. Sayang, ang ganda mo pa naman, ang tanga mo.” Namaywang pa sa harap ni Jean ang babae.
Ang pagkagulat sa mukha ni Jean ay unti-unting napalis, ang sumunod ay naningkit ang mga mata niya sa galit.
“Talaga? Tanga ako?” nakangising humakbang siya ng isa palapit dito. “Thank you. Eh, ikaw, mas tanga. Ayaw na sa iyo ng lalaki, hinahabol mo pa kahit sa dulo ng impiyerno!”
“Aba’t –”
“Para kay Sonia na tinaray-tarayan mo kanina!” Walang babalang lumagapak sa pisngi nito ang palad niya.
“Ouch!” Bahagya itong napaurong dahil sa lakas ng sampal niya.
“Jean!” Akmang lalapit sa kanya si Joshua.
“Get lost! Magsama kayo ng babaeng ‘yan!” Pagkawika niyon ay binirahan niya nang takbo palayo.
“Jean!”
“Hoy lalaki, akong harapin mo!” Kandaiyak na hinila ni Sylvi sa kuwelyo si Joshua.
“Sylvi, it’s all over between us. Sinabi ko na sa iyo ‘yon, hindi na?” kalmanteng wika ni Joshua habang pagigil na binaklas ang kamay nito sa kuwelyo niya.
“It’s all over? Ganoon lang? Pagkatapos ng lahat, iiwan mo akong parang basahan?”
“Sylvi, may usapan tayo, walang commitment.”
“May nangyari sa atin!”
“Ikaw ang may gusto niyon. Ikaw ang nagsabi na okay lang sa iyo. Isa pa, alam kong nakikipagrelasyon ka pa rin sa iba, habang tayo pa. Kaya nga iniwasan na kita, eh. Alam kong liberated ka, pero hindi ko gusto na marami kami.”
“Joshua!”
“Bakit ka nagulat? Akala mo ba’y hindi ko alam?”
“S-si Ferdie ay hindi ko naman –”
“And how about Nick? Hindi ba’t nakipag-one night stand ka sa kanya?”
“K-kasi’y –”
“Get out of my life, Sylvi. Kahit na anong habol ang gawin mo sa akin, wala na tayo. Alam ko naman ang dahilan mo sa paghahabol sa akin, eh. As of now, nakabaon sa utang ang papa mo. Natalo siya ng milyong halaga sa casino, right?”
“Joshua!”
“Reliable ang source ko, hindi ako lolokohin. And besides, kahit na hindi ko nalaman ang tungkol doon, talagang wala kang aasahan sa akin.”
“How dare you?”
“Yes, how dare me. So, get out of my life. Hindi ako ang lalaking hinahanap mo na magsasalba sa nalustay na kayamanan ninyo.”
“You’re going to pay for this!” Galit na umalis si Sylvi.
Ngunit balewala kay Joshua ang galit na iyon ng babae. Si Jean ang nasa isip niya. Litong hapasuklay ang mga daliri niya sa sariling buhok habang napapabuga sa hangin.
“Joshua, halika muna sa office. Pag-usapan natin ang problema.” Inakbayan ni Francis ang pinsan upang dalhin sa loob.
Tila batang nalilito na naging sunud-sunuran na lang siya rito.
MATAGINTING ang halakhak ni Jean habang kausap si Mr. Norman Wright, isang amerikanong guest ng resort.
“Talaga, Mr. Wright? Gusto ninyo akong dalhin sa Amerika at pakasalan?” nakangiting wika ni Jean sa wikang ingles.
“Oo naman. You’re so beautiful, Jean. Ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay. Kasabihan ang mga Filipina bilang mahusay at mapagmahal na maybahay. Kaya nga narito ako sa Pilipinas. Naghahanap ako ng babaeng magiging pangalawang ina ng mga anak ko.”
“Aba, Filipino custom, manligaw ka muna bago kita sagutin.”
“Oo naman. Kaya nga pinadalhan kita ng mga bulaklak. Alam kong paborito mo ang mga white roses.”
“Salamat. Pero gusto ko pa ring malaman mo na bago ako lumagay sa ganyang sitwasyon, gusto ko munang masiguro na ang iiwan kong pamilya rito sa Pilipinas ay nasa mabuting kalagayan.”
“Walang problema, Jean. Mahalin mo lang ako, ililipat ko sa pangalan mo ang mansiyon na nabili ko sa Valle Verde. Doon mo patirahin ang pamilya mo.”
“Wow! Okay ‘yan, ah!”
“So, tinatanggap mo na ba ang pag-ibig ko?”
Ngumiti si Jean, saka nilaru-laro ang kopitang may lamang champagne.
“Iisipin ko pa.”
“Jean –”
“Gusto ko munang makasiguro. Well, kung naiinip ka na, bahala ka.”
“Hindi — hindi ako naiinip. Nakahanda akong maghintay sa kasagutan mo.”
“Good! Anyway, excuse me, ha? Punta lang ako sa restroom.”
“Sure.”
Naiiling na nangingiti si Jean habang patungo sa restroom.
May tatlong araw pa lang niyang nakikilala si Norman Wright, pero nangungulit nang makuha ang kanyang pag-ibig.
No way! Hindi muna ako magpapaloko sa mga lalaking kagaya ninyo.
Sisiguruhin ko na bago ko siya sagutin, nasa pangalan ko na ang mansiyon na sinasabi niya. Hindi na ako papayag na muling magoyo at masaktan. Tutal, lokohan ang laban, so be it! Ang mahalaga, mahango ko sa hirap ang pamilya ko.
Matapos mag-retouch ng make-up sa restroom ay lumabas na si Jean. Pero ang totoo, wala siyang balak na balikan si Norman sa restaurant.
Hahayaan niyang magmukhang tanga ang Amerikanong iyon.
Mas gusto niyang matulog na. Maaga ang duty niya bukas, kailangang magising siya nang maaga.
jean
“Josh!” Bahagya pa siyang napaatras nang humarang sa daraanan niya ang binata. “Ano na naman ang kailangan mo?” asik niya na agad na nahamig ang sarili.
Araw-araw na siyang kinukulit ni Joshua na makausap, at hindi niya ito pinagbibigyan. Sanay na siyang bubuntut-buntot ito sa kanya sa resort.
“Let’s talk.”
“Ng ano? Ng mga kuwento ng buhay mo? Ay, sorry, inaantok na ako. I’m tired.”
“Saan, sa pakikipagbolahan sa puting-unggoy na iyon?” Pagigil na hinawakan nito sa braso ang dalaga.
“Ay! Ano ka ba? Bitiwan mo nga ako!” Nabigla siya. Ngayon lang naging mapangahas sa kanya ang binata.
“Hindi! Mag-uusap tayo. And this time, kailangan mong makinig!”
“Ayoko nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo? At saka bakit ka nag-eespiya sa ginagawa ko? Tapos na ang oras ng trabaho ko rito, wala ka nang pakialam kahit na ano ang gawin ko. Isa pa, itigil mo na ‘yang ilusyon mo na mahal kita, ha? Ang minahal ko ay ang Josh na mahirap, construction boy, tubero at kung anu-ano pang mahirap ang trabaho. Hindi si Joshua Fuentebella na manloloko at mayaman.” Gigil na hinila niya ang braso at nagmamadaling humakbang palayo rito.
Ngunit hindi papayag si Joshua na makalayo siya.
“Halika nga!” Muli nitong hinaltak sa braso ang dalaga.
“Aray! Nakakasakit ka na, ah!”
“Ako, hindi mo sinasaktan sa ginagawa mo, ha? Kung makatawa ka kapag kausap mo ang kano na iyon, labas ang ngala-ngala mo. At may pahampas-hampas ka pa sa braso niya, ha? Eh, kung ihampas ko kaya siya sa apat na sulok nitong hotel, ha?” Lalo naman nitong pinanggigilang pisilin ang braso niya.
“Aba, bahala ka! Pakialam ko sa inyo. At saka puwede ba, huwag ka ngang umarte na para bang boytriend, o asawa kita na nagseselos. Hindi bagay sa iyo, ano?”
“Damn it! Wala akong pakialam kung hindi bagay sa akin. Ang gusto ko ay sundin mo ang sinabi ko. Stay away from him. Baka mamaya ay kagaya siya ni Steven na killer-maniac pala.”
“And so? Wala ka na roon, ano? Problema ko na kung papatayin pala niya ako, o anupaman. Kung ako sa iyo, uuwi na ako sa Manila. Hindi ka bagay dito, konti lang ang babaeng maloloko mo rito dahil kilala na nila na bolero at manloloko si Joshua Fuentebella.”
“Stop it! Isang tanong isang sagot.”
“Aba, at nag-demand pa.” Tinaasan lang niya ito ng kilay. Hindi nito dapat mahalata na apektado na siya sa simpleng hawak lang ng kamay nito sa braso niya.
“Hindi ka ba talaga lalayo kay Norman Wright?”
“At kung sabihin kong hindi, may magagawa ka ba?” Naghahamon ang tinig niya na nakipagtitigan pa rito.
“Meron.”
“At ano ‘yon?”
Mabilis ang sumunod na kilos ni Joshua. Basta na lang nagdilim ang kanyang paningin nang may malanghap na mabaho matapos nitong takpan ang kanyang ilong. Kasunod niyon ay nawala na siya sa karimlan.
NAGISING si Jean na masakit ang ulo. Iyong pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa sikmura niya ay damang-dama niya. Pati ang mainit na bagay na tumatama sa kanyang pisngi ay hindi nakaligtas sa kanyang pandama.
Nasaan ba ako? Bahagya siyang lumingap sa paligid. Josh! Para lang magulat nang matuklasang katabi niya sa higaan si Joshua. Mahimbing itong natutulog habang nakaunan ang mukha sa balikat niya at nakayakap ang isang braso sa kanyang tiyan.
Ang hudyong ito! Pagdaka ay parang gustong mag-alsa ng kanyang galit. Josh! Pero nang muli niyang sulyapan ang katabi, may fondness na sumungaw sa kanyang mga mata nang matitigan ang guwapo nitong mukha.
Ang hudyong ito! Pagdaka ay parang gustong mag-alsa ng kanyang galit. Josh! Pero nang muli niyang sulyapan ang katabi, may fondness na sumungaw sa kanyang mga mata nang matitigan ang guwapo nitong mukha.
Ah, ilang araw na ba niyang tinitikis ang lalaking ito? Ilang araw na niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan ang nakasanayang mga halik at yakap mula rito?
Pero ngayong katabi na niya ang binata…
Josh… Ganoon na lang ang kanyang pagpipigil na haplusin ang pisngi nito, nakawan ng halik ang mga labing nakatikom…
Marahang nagmulat ng mga mata si Joshua, marahil ay naramdaman nito na may mga matang nagmamasid dito.
“Jean…”
“H-ha?” Napaawang ang kanyang bibig, huling-huli siya sa ginagawang pagtitig dito. “Hayup ka!” At kailangan niyang ‘magalit’, cover-up sa pagkapahiya. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit narito ako?” Galit na pinagbabayo niya sa dibdib ang binata.
“Jean, sandali!” maagap naman nitong nahuli ang mga kamay niya. Pagkuwa’y walang anumang itinaas iyon sa kanyang ulunan at idinagan ang katawan sa kanya.
“Hayup ka! Anong ginawa mo sa akin?”
“Wala! Anong gagawin ko sa iyo?”
“Hudyo ka! Nagtatanong ka pa, hayan at nararamdaman ko, nakahubad ka! At nakahubad din ako!” kandaiyak na wika niya.
“Pero wala akong ginawa sa iyo… wala pa,” namimilyo nang wika ng binata na marahang humagod ang paningin sa kanyang mukha, patungo sa leeg, hanggang sa dibdib na ngayon ay nalantad na sa paningin nito dahil naalis ang kumot na nakatakip sa kanilang katawan.
“Damn you! At ano pa ba ang dapat mong gawin sa akin? Wala ka ng karapatan na –”
“Sshh!” Saka nito inangkin ang mga labi niya.
No! sigaw ng kanyang utak habang pilit na iniiwas ang mukha sa mukha nito.
Ngunit masigasig si Joshua. Binitiwan nito ang mga kamay niya at ang mukha niya ang inipit ng mga palad. Tuloy ay sakop na sakop ng mga labi nito ang mga labi niya.
Hindi! Ayoko! Pilit pa ring nagwawala si Jean kahit damang-dama niya na tuluyan nang nakapasok sa loob ng kanyang bibig ang humahalihaw nitong dila.
Gayunpaman, hindi naman niya magawang kagatin iyon.
Baka masaktan si Joshua.
Isa pa, bakit bigla yata ay gusto niyang aminin sa sarili, she missed his kissses, his hug…?
Iyong pakiramdam na nanghihina na ang lahat ng depensa niya sa katawan ay damang-dama niya. Hanggang tuluyan siyang manlata sa panlalaban.
Hanggang hinayaan na lang niyang magpakasawa ito sa pag-angkin sa mga labi niya… hanggang aminin niya sa sarili… gusto na niyang tugunin ang mapusok nitong halik.
Josh… napasinghap siya, kasabay niyon ay nagsimulang gumalaw ang mga labi niya, gumagagad, nanggagaya sa galaw ng mga labi nito.
Jean… At hindi nakaligtas iyon sa pakiramdam ng binata. Kaya ang mapusok nitong halik ay naging marubdob.
Mayamaya pa ay nagsimula nang dumama ang palad nito sa kanyang kabuuan.
Pamilyar na kay Jean ang init na hatid ng mga palad nito. Ang mga kiliti at sensasyong ipinadarama sa kanya sa tuwing sasambahin nito ang kanyang katawan…
At noon at ngayon, walang pagkakaiba ang epekto niyon sa kanya…
Hindi niya napigilang mapasinghap… kasunod niyon ay napasunod ang kanyang katawan sa galaw ng katawan nito… napapaigtad siya, napapabaling-baling ang ulo.
Mayamaya ay naging mas mapangahas na naman si Joshua. Iniwan nito ang mga labi niya, kasunod ay dahan-dahang nagpadausdos pababa.
Alam ni Jean ang balak nitong gawin, kagaya noon… at ayaw sana niya…
Lalo siyang ipagkakanulo ng kanyang kahinaan…
Pero gusto niyang muling madama ang kapangahasang iyon ni Joshua.
Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata, kasabay nang mariing pagkagat sa kanyang mga labi.
Josh… Hanggang maramdaman niya na tila na siya nababaliw dahil sa kaluwalhatiang hatid ng ginagawa nito sa kanyang katawan.
Hanggang tuluyan siyang sumuko…
Ang tanga niya!
Dahil sa mga sandaling iyon, alam niyang batid na ni Joshua na ito pa rin ang may kapangyarihan sa buo niyang pagkatao.
But who cares? Ang mahalaga, walang salaping maaaring itapat sa kaligayahang ipinalalasap sa kanya ni Joshua ngayon…
IMPIT na hikbi na lang ang maririnig sa silid na iyon, habang marahang hinahaplos ni Joshua ang kanyang buhok.
“Jean, please stop it. Wala namang namatay, ah. Bakit ka ba iyak nang iyak?” Mahigpit nitong yakap ang dalaga na nakasubsob sa dibdib nito.
“Nagtatanong ka pa?” asik niya gayung hindi naman umaalis sa pagkakasiksik sa dibdib nito. “Pinaglaruan mo na naman ako!”
“Sweetheart, hindi totoo ‘yan. Hindi kita pinaglalaruan, okay?” Masuyo nitong itinaas ang baba niya upang magtama ang mga mata nila.
“At anong tawag mo sa ginawa mong ito? Pinatunayan mo na naman na kayang-kaya mo akong paglaruan sa mga palad mo! N-na kaya mo akong pasunurin sa lahat ng sasabihin mo! Na kaya mo akong –”
“Sshh!” Iniharang nito ang isang daliri sa mga labi niya. “Hindi kita pinaglalaruan, okay? Ako ang napaglaruan mo, Jean.” Malamlam ang mga matang tumitig ito sa kanya.
“Aba’t ako pa ang –”
“At anong tawag mo sa nangyari sa akin sa ilang araw na pag-iwas mo? God! Para akong mababaliw sa tuwing maiisip ko na baka mapasagot ka na ng Norman na ‘yon. Baka sumama ka na sa kanya at mawalan na ako ng pagkakataong makapagpaliwanag sa iyo. Kung puwede nga lang na lunurin ko na ang lalaking iyon tuwing lalapit sa iyo, ginawa ko na. Pero ang mas higit na parusang nadarama ko ay kapag naiisip kong hahawakan ka niya. Nobody can touch you, can hold you and kissed you except me. Dahil kapag nagkaroon, papatayin ko sila.”
“Hmp! Ang OA mo, ha?” Inirapan niya ito. Pero ang totoo, unti-unti na namang nalulusaw ng mga salita nito ang pagdaramdam sa kanyang puso.
“Siguro nga. At tama ang sabi nina Francis, tulingag ang mga lalaking Fuentebella kapag natutong magmahal. At mahal na mahal kita, Jean. Wala na akong pakialam kung mayaman ang gusto mo para lang mahalin mo rin. Ang mahalaga, akin ka lang. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo.”
“Tse! Hindi ko kailangan ang pera mo!”
“At anong kailangan mo?”
Dahan-dahan niya itong sinulyapan, in a seductive way.
“Ikaw…” malambing niyang anas. “Ang pag-ibig mo, ang mga yakap mo, ang halik mo. Kahit magdildil ako ng asin, basta mahal kita.”
“Talaga? Naniniwala ka na sa akin na hindi ko sinasadyang magpanggap sa iyo? Na kaya ko lang itinuloy iyon dahil akala ko’y hindi mo pansin ang –”
“Kiss me more, Josh, make love to me again, saka mo sagutin ang sarili mong tanong.”
Napangiti si Joshua. Isa iyong kahilingan na hindi nito ipagdadamot na ibigay sa kanya.
Lalo pa at damang-dama nito ang pangangailangan niya…
Lalo pa at damang-dama nito ang pangangailangan niya…
“Oo ba. By all means, Sweetheart…” Pagkuwa’y muli silang natahimik.
Sa labas ng yate kung saan tinangay ni Joshua ang dalaga, unti-unting lumakas ang pag-alog ng yate, hindi dahil sa lumakas ang alon, kundi dahil sa…
WAKAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento