Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 3


Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 3

KAHIT napaso na sa pakikipaglapit kay Steven, hindi pa rin nadala si Jean. Naroon na naman siya sa dalampasigan, looking for somebody na posibleng humango sa kanya sa kahirapan.
Iyon kayang isang iyon? Gwapo naman kahit may edad na. Nakatingin siya sa isang lalaking palakad-lakad sa dalampasigan. Aba, nabasa ko sa pinirmahan niya sa guest list na biyudo siya, ha? Kinilig siya nang maalala iyon.
Pero marami na tiyak anak ang lokong ‘yon. Mahirap na, baka ako pa ang lumabas na kontrabida sa buhay nilang mag-aama. Paano kung salbahe ang mga anak nila?
Ibinaling niya ang paningin sa ibang panig ng resort. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang palapit sa kanya si Steven.
Oh no! At palapit sa akin ang killer na ito! Hindi niya ako dapat —
“Jeah, wait for me babes!” sigaw ng german.
Oh no!
“A-ah, h-hi!” Napilitan siyang harapin ito.
“I’m looking for you all over the place yesterday, where have you been?”
“A-ah, I’m dead tired yesterday, so I-I decided to stay in my room t-the whole day.”
“Ah,” napatangu-tango ito. “Anyway, can I invite you for dinner?”
“H-ha?” Patay! Baka makahalata kapag tumanggi ako agad. “Ah. I have a meeting with my boss, you know. S-so I-I think I can’t go out with you tonight.”
“Oh, how sad. Anyway, how about a snack? It’s only four o’clock in the afternoon. Can you give me a little bit of your time?”
“H-ha? Ah, I think not now. I have to fix myself for the meeting, you know. My boss will be angry if I’m late. H-he’s very strick, you know?”
“Oh! I think that’s not the proper way of treating an employee as beautiful as you.”
“O-oh, thank you.” Kahit na ano pang pambobola mo sa akin, hindi na ako kakagat, oy!
“Anyway, how about tomorrow night? Have dinner with me?”
“H-ha?” Hmp! Kulit! “Ah, let us see. B-but I’m not so sure, ha?”
“Okay, that’s enough for me. I hope you can make it. Bye for now!”Bahagya pa itong kumaway.
“Y-yeah.” Nakangiwing kumaway din siya.
Whoo! Ang hirap namang itaboy ang isang iyon. Hindi pa nakahalata. Humarap siya patungo sa hotel.
“Ay!” Para lang magulat nang mabangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino.
“Oh, I’m sorry!” Naging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang nangudngod sa katawan nito.
“Ouch!” Pero bahagya palang natapilok ang kanyang paa kaya bahagya siyang nauyot.
“Hey, anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.
Awtomatikong nagtaas ng paningin ang dalaga.
Then their eyes met.
It was two deep set of eyes, black, and she has that feeling na tagus-tagusan sa kanyang kaluluwa ang matiim na titig nito.
But still, tila siya nahihipnotismo at tila ayaw niyang ilayo ang paningin sa mga matang iyon.
Sa mga mata ng boy, tubero, at mahirap na pangatlong beses nang sumasanga sa kanyang landas.
“Nasaktan ka ba?” he said in a husky voice.
Tila musika sa pandinig niya ang narinig na boses.
“N-natapilok ako,” wika niya sa mahinang tinig na siya lang yata ang nakarinig.
“Halika sa batuhang iyon, hihilutin ko ang paa mo.” Saka nito tuluyang pinangko ang dalaga.
“Hey!” Saka pa lang parang naalimpungatan si Jean nang maramdaman niyang tila siya lumutang sa ere.
“Upo ka diyan.” Pagkalapag nito sa kanya ay agad na lumuhod upang hawakan ang kanyang paa. “Alin ba dito ang natapilok?”
“Oh!” Mainit ang palad ng lalaki, humahalo iyon sa sumisigid na kirot sa ugat ng kanyang paa na natapilok.
“Ito ba?” Hinawakan nito ang isa niyang paa na nagsisimula nang mamaga.
“O-oo.” Gusto sana niyang mag-react. Bakit kung hawak-hawakan nito ang paa niya ay para bang close na sila?
Pero nang magsimulang humilot-humimas sa paa niya ang palad nito, marahan siyang napapikit. Minsan pang nagsanib ang kirot at init na nagmumula sa palad nito.
“Naipitan lang ito, huwag kang malikot, hihilahin ko, ha?”
“H-ha?”
Pero bago pa siya nakapalag, nahila na nito ang paa niya.
May narinig si Jean na tila ugat na nabaltak, pagkuwa’y naramdaman niya na nagsimulang dumaloy ang dugo sa ugat niya.
“Hayan, hindi na sasakit ‘yan kapag itinapak mo.” Nakangiting tumayo na ang lalaki at bahagya pang ipinagpag ang mga kamay.
Nakamaang lang siya rito. Oo nga at sando at pantalong maong pa rin ang suot nito, pero halatang bagong paligo, kay bangu-bangong tingnan dahil sa clean-cut na buhok, plus that close-up smile na nagsisimula na talagang umakit sa kanyang pihikang panlasa.
“S-salamat,” wika niya habang dahan-dahang itinatapak ang paa sa buhanginan.
Mabuway sa simula, natatakot kasi siyang ilapat nang husto ang paa dahil baka sumigid na naman ang kirot.
“Okay lang ‘yan, hindi na ‘yan sasakit,” nakangiti pa ring wika nito.
“S-sigurado ka?”
“Oo naman. Sige, itapak mo nang husto ang paa mo?”
Tuluyan na nga niyang inilapat sa buhanginan ang paa. Walang makirot, bahagya lang tila nakukuryente ang talampakan niya.
“Kita mo na. Sige, ihakbang mo na.”
Sinunod ni Jean ang sinabi nito. Hindi na nga sumakit ang paa niya.
“Okay na.”
Pabuntong-hiningang hinarap na niya ang lalaki.
“Salamat, ha,” walang kangiti-ngiting wika niya. “Ano nga uli ang pangalan mo?”
“Josh, ikaw, anong pangalan mo?” Muli nitong inilahad ang palad sa kanya.
“Itinanong ko lang kung anong pangalan mo, hindi pa rin ako nakikipagkilala sa iyo, ‘no?” Pagkawika niyon ay tinalikuran na niya ito.
“Miss!”
Ngunit inignora na lang niya ang pagtawag nito.
HMP! Nakakainis! Biling-baligtad sa higaan si Jean. Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang mukha ng lalaking ‘yon! Nagtakip pa siya ng unan sa mukha.
Mayamaya ay bumangon siya upang magtungo sa bintana.
Hindi siya ang lalaking para sa iyo, Jean Del Sol. Magugutom ka lang sa kanya, pangaral niya sa sarili.
Pero kahit ano ang sabihin niya sa sarili, hindi na maalis sa kanyang isip ang mukha ng lalaking iyon.
Kahit boy lang siya, ang bango niya, naalala niyang nalanghap niya ito kaninang kinarga siya. At hindi magaspang ang kanyang balat, pino pa nga iyon. At ang mga bisig niya, malalakas. Para bang kayang-kaya niya akong buhatin kahit tumatakbo siya. Binata pa kaya siya? Naipilig ni Jean ang ulo sa isiping iyon.
At ano naman ang pakialam ko kung binata pa siya? Kahit ba dalaga pa ako, hindi siya ang bagay sa akin! Inaway na naman niya ang sarili. Anyway, puwede kayang makipag-fling sa kanya? Saka siya napahagikgik.
Mayamaya ay natigilan siya sa pag-iisip ng kung anu-ano. Isang pamilyar na bulto ng lalaki ang nakita niyang naglalakad sa dalampasigan.
Si Steven! At… at kasama niya si Yvonne! Oh no! Baka ang bata ang biktimahin niya! Bigla siyang nag-alala para sa dalagita na naging malapit na rin sa kanya.
Litong nagpalakad-lakad sa kabuuan ng silid si Jean. Iniisip niya kung pupuntahan si Yvonne para bigyan ng babala na huwag lumapit kay Steven, o kaya naman ay sasabihin niya kay Marco na si Yvonne naman ang tila tina-target ng killer-maniac na iyon.
Ang huli ang naisip niyang gawin. Nagsuot siya ng roba at lumabas ng silid. Kailangang makausap niya si Marco.
“Wala si Sir Marco,” wika ng isang bellboy na nasalubong niya sa hallway. “Nakita ko kaninang hapon na sumakay ng chopper kasama ang misis niya. Ibinilin nga kay Mang Gaston na ipalinis ang swimming pool dahil may darating na mga special guest bukas. Bakit ba?”
“W-wala.” Litong lumayo na siya rito, diretso palabas ng hotel.
Natanaw niya si Yvonne na mukhang engrossed na engrossed sa sinasabi ni Steven. Nakaupo ang dalawa sa isang malapad na batuhan at sa malas ay nakuha na ng banyaga ang kalooban ng dalagita.
No! Hindi siya dapat maniwala sa boladas ng buhong na iyon! Akmang hahakbang siya palapit sa mga ito.
“Miss…”
“Ha?” Napalingon siya sa may-ari ng baritonong tinig na umagaw sa kanyang pansin.
Si Josh Montemayor, nakangiti habang palapit sa kanya, nakapamulsa ang mga kamay sa kupas na maong. And this time, t-shirt na puti ang suot nito kaya mas disenteng tingnan. But still, ang macho pa rin ng dating dahil hakab na hakab pa rin iyon sa malapad nitong dibdib.
And goodness, bagong paligo na naman yata ito dahil basa-basa pa ang buhok.
She’s freezed for a while. Hanggang makalapit na ito sa kanya.
“Mukhang ayaw kang dalawin ng antok, ah?” nakangiti pa rin nitong tanong habang namamasyal ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha.
Hindi pa rin siya makakibo. Isang sulyap ang ginawa niya sa kinaroroonan nina Steven at Yvonne.
Oh no! Pababa na sa batuhan si Yvonne habang inaalalayan ni Steven.
“Miss, may problema ba?”
“H-ha?” Muli siyang napatingin sa mukha nito. “P-puwede ba, huwag mo nga akong guluhin?” angal niya sabay hakbang patungo sa gawi nina Steven.
“Miss, sandali!”
Ngunit tuluy-tuloy na siyang humakbang palayo. Pasunod kina Steven na ewan niya kung saan patungo. Pagawi ang mga ito sa dulo ng dalampasigan.
Yvonne! Hindi naman niya magawang ilakas ang pagtawag sa pangalan ng dalagita.
Baka maalerto si Steven at lalong malagay sa panganib ang buhay nito.
Ngunit dahil malayo ang agwat sa kanya ng mga ito, hinihingal na siya ay hindi pa rin makaabot sa hinahabol. Saglit siyang huminto sa paghakbang upang habulin ang hininga.
No! Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pagawi na sa bungad ng kasukalan sina Yvonne. Anong nangyari sa batang iyon? Bakit sasama siya sa loob ng kasukalan? God! Nasaan ba ang tatay ng batang ‘to? Napilitan siyang muling sumunod sa mga ito.
Lalo siyang kinabahan nang makitang tuluyan nang nakapasok sa bungad ng kasukalan ang dalawa.
Mayamaya ay natanaw niyang hinawakan nito sa braso si Yvonnc habang tila nagwawala ang huli.
Binilisan pa niya ang pagtakbo.
MADILIM sa loob ng kasukalan, nagkakapatid-patid si Jean sa paghakbang dahil sa malalaking ugat ng puno sa kanyang daraanan. Ngunit sige pa rin siya sa paghakbang.
Tuluyan nung nawala sa kanyang paningin sina Steven. At kahit masasal na ang tibok ng kayang puso, alam nyang wala siyang dapat na aksayahing oras.
Baka sa mga sandaling ito ay nasa panganib na ang buhay ni Yvonne.
Nasaan kaya sila? Humihingal na saglit siyang namahinga habang nakaupo sa ugat ng isang puno.
“Huwag!”
Napatayo siya nang marinig ang impit na tiling iyon.
“Yvonne!”
Ngunit wala na siyang narinig na anumang ingay.
“Yvonne!” Napilitan siyang muling maglakad. This time ay pilit niyang tinalunton ang pinagmulan ng tili kanina.
Nakarinig si Jean nang mahinang pagtawa.
“You’re now mine, baby
Si Steven ‘yon! Kahit kinakabahan ay walang ingay na humakbang siya palapit sa pinagmulan ng tinig.
Eksaktong paghawi niya sa makapal na kumpol ng mga dahon ay nabanaagan niya ang isang malaking tao na may ginagawa. Tila may itinatali iyon sa katawan ng malaking puno.
Si Yvonne! Sigurado siyang si Yvonne ang nabanaagan niyang nakatali sa puno. Umiiyak ito, pero hindi makasigaw. Kaya pala ay may nakasupalpal na kung ano sa bibig.
“There!” Nakangising minasdan ni Steven ang ayos ng dalagita nang matapos ito sa ginagawa.
Nakasandal sa malaking puno si Yvonne, nakatali nang pataas ang mga kamay at magkalayo ang mga paa habang nakatali rin ang mga iyon paikot sa puno.
God! Parang baboy ang ginawa kay Yvonne ng hayop na ito! Naningkit sa galit ang mga mata ni Jean.
“Now, for our finale…” Nakangising dumukot sa bulsa si Steven.
Kumislap sa dilim ang isang matalim na bagay. Nanlalaki ang mga matang napatitig si Yvonne sa bagay na iyon.
Pati ang nakasilip na si Jean av napanganga. Labaha, iyon ang sigurado niya na hawak ni Steven.
Tumaas ang kamay ng lalaki. Iniamba ang labaha na ihihiwa sa kung saang parte ng katawan ni Yvonne.
“No!” hindi napigilang sigaw ni Jean.
Natigilan si Steven sa gagawin. Agad itong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.
No! At huli na para sa kanya ang magtago. Kahit madilim, alam niyang nakatitig na sa kanya ang lalaki.
“Who are you, huh?” Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya.
Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at wala siyang kakayahan na gumalaw kahit munti man.
Naparaan si Steven sa natatanglawan ng liwanag ng buwan na sumisingit sa mga siwang ng makapal na dahon.
Nakita ni Jean ang mukha nito, nakangisi, nanlilisik ang mga mata. Animo halimaw na handang manila.
Lalong nanlamig ang buo niyang katawan. Gusto lang niyang tulungan si Yvonne, bakit ngayon ay siya na ang haharapin nito?
“S-Steven, please don’t,” kahit paano ay nagawa niyang bigkasin sa namamaos na tinig.
“Jean?” Nabosesan nito ang dalaga. “Yeah, it’s you!” Lalong napangisi ang lalaki. “That’s good, eh! Two birds in one stone.”
Napalunok si Jean, unti-unti na niyang nahahamig ang sarili at nagsimula nang gumana ang kanyang utak.
“S-Steven, please let her go. She’s too young. J-just take me.” Saka niya gustong pagsisihan ang nasabi na.
“Oh, really? You want to be a hero, eh?” Huminto na ito sa paglapit ng ilang hakbang ang layo sa kanya.
“S-Steven, why?” Lihim na naging mailap ang mga mata niya.
“Why? Oh, what a silly question? It’s just for fun, baby. You know, I’m a serial killer. My victims are ambitious and opportunistic ladies. You and Yvonne is my twelfth and thirteenth victim. But don’t worry, I’ll give you the honor of being the thirteenth. Yvonne is so easy to kill. And besides, I really like you a lot. I know you’re more ambitious than Yvonne.”
“N-ho, that’s not true!” Bigla ay gusto niyang pagsisihan ang pagiging ambisyosa. “I’m not —”
“Just shut up!” bulyaw nito.
Natahimik siya.
“Now, come here!” Bigla nitong hinawakan sa kamay si Jean.
“No!” Na agad naman niyang nailagan sabay tadyak sa harap nito.
“Ouch!” Napasapo sa harapan si Steven, saka dahan-dahang napaluhod. “D-damn you!”
“Damn you ka rin!” Paiwas ditong nagtatakbo ang dalaga patungo kay Yvonne. “Yvonne, okay ka lang?” Mabilis niyang tinanggal ang busal sa bibig ng dalagita.
“A-ate Jean, bilisan mo!” bulalas nito nang makalaya ang bibig.
“O-oo — oo!” Tarantang kinalag ni Jean ang tali nito.
“Bilis!” Nagpapapalag si Yvonne sa pagkakatali. Mayamaya ay napatili ito nang mapatingin sa likod niya. “Hayan na siya!”
“H-ha?” Sabay lingon ni Jean.
“Damn you, lady! I’ll kill you!”
“No!” Napatili na lang siya nang makitang nasa likuran na nga niya ito. Sabay taas ng kamay na may hawak na labaha na minsan pang kumislap sa dilim ang talim.
“Don’t!”
Kasabay nang pagdidilim ng kanyang paningin, bahagya pa niyang naulinigan na may umigik. Kasunod niyon, ay wala na siyang natandaan pa.
Itutuloy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento